|
||||||||
|
||
Sa kanilang pag-uusap nitong Sabado, Oktubre 13, 2018 sa Dushanbe, Kabisera ng Tajikistan, nagkasundo sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Kokhir Rasulzoda ng Tajikistan, na iaangat sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagkakatigan at magkasamang pag-unlad.
Sina Premyer Li (kaliwa) at Punong Ministro Rasulzoda (kanan)
Sinang-ayunan din ng dalawang punong ministro na iugnay ang Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina at mga estratehiyang pangkaunlaran ng Tajikistan para mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan, lalo na sa enerhiya, kalakalan, transportasyon, agrikultura, pinansya, pagdadalawan ng mga tao at iba pa.
Tumayo ring saksi ang dalawang punong ministro sa paglagda sa serye ng dokumentong pangkooperasyon ng dalawang bansa na may kinalaman sa pulitika, kabuhayan, kalakalan, adwana, at mga pamahalaang lokal. Bukod dito, magkasaka ring humarap sa mga mamamahayag ang dalawang opisyal.
Sa hiwalay na okasyon, kinatagpo si Premyer Li ni Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan.
Sina Premyer Li (kaliwa) at Pangulong Rahmon (kanan)
Sinimulan ng Premyer Tsino ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Tajikistan makaraang dumalo sa Ika-17 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na ginanap sa Dushanbe, Tajikistan
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |