Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI komentaryo: Amerika, hindi dapat magbigay ng "poison pill" sa kalakalang pandaigdig

(GMT+08:00) 2018-10-15 18:53:49       CRI
Sa Kasunduan sa Malayang Kalakalan ng Amerika, Mexico, at Kanada (USMCA), na narating kamakailan, may isang probisyong tinatawag na "poison pill." Ang probisyong ito, kung lalagdaan ng isa sa tatlong bansang ito, kasama ng isang non-market economy country, ang kasunduan sa malayang kalakalan, puwedeng umurong ang ibang bansa ng naturang kasunduan sa loob ng anim na buwan.

Ang probisyong ito ay pinaniniwalang napilitang ilakip ng Amerika sa naturang kasunduan, at itinuturing na pagpapatuloy ng kasalukuyang patakaran ng Amerika na nakatuon sa Tsina. Ayon pa rin kay Wilbur Ross, Kalihim ng Komersyo ng Amerika, gusto ng kanyang bansa na ilakip din ang gantiong probisyon sa mga kasunduan sa malayang kalakalan sa mga ibang panig, na gaya ng Hapon, Unyong Europeo, Britanya, at iba pa. Sa pamamagitan ng tangkang ito, gusto ng Amerika na itatag ang isang eksklusibong sistemang pangkalakalan, na walang Tsina.

Sa ilalim ng kasalukuyang background ng daigdig ng pagpapasulong ng multilateral na sistemang pangkalakalan, ang pagpapairal ng Amerika ng poison pill provision ay hindi makatarungan, at muli itong nagpapakita ng patakarang America First. Sa pamamagitan ng kapangyarihan nito sa kalakalan, inalisan ng Amerika ng soberanya at kalayaan sa kalakalan ang Kanada at Mexico.

Sa katotohanan, kahit lumagda sa naturang kasunduan ang pamahalaan ng Kanada, umiiral ang pagtutol dito sa loob ng bansang ito. Ayon sa Chamber of Commerce ng Kanada, ang probisyong ito ay makakaapekto sa pagsasakatuparan ng bansa ng dibersipikasyon ng pandaigdig na kalakalan, at ipapasailalim nito ang bansa sa posibleng di-makatarungang kalakalan. Ayon naman sa Public Policy Forum, think tank ng Kanada, sa estratehiya ng dibersipikasyong pangkalakalan ng bansa, hindi dapat mawala ang Tsina, bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, at bansang umaangkat ng pinakamalaking bolyum ng ilang uri ng produkto ng Kanada.

Para naman sa ibang panig na gaya ng Unyong Europeo, mahirap nitong tatanggapin ang naturang probisyon ng Amerika, dahil nitong nakalipas na ilang panahon, nawalang-kasiyahan na ang EU sa mga aksyon ng hegemonya at di-pagtalima sa mga kasunduang pandaigdig ng Amerika.

Bilang malaking bansa, ang Tsina ay may isang consumer market na halos pinakamalaki sa daigdig, at ito rin ay pinakamalaking trade partner ng mahigit 120 bansa at rehiyon. Samantala, nagtatamasa ang maraming transnasyonal na kompanya ng maraming pagkakataong pangkalakalan na dulot ng Tsina.

Bakit kailangang itatag ang sistemang pangkalakalan na walang Tsina? Ang kalakalan ay para sa kooperasyon at win-win result, sa halip na zero sum, dapat buong linaw na unawain ng Amerika ang prinsipyong ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>