Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer ng Tsina at PM ng Belgium, nagtagpo: multilateralismo at konektibidad, isusulong

(GMT+08:00) 2018-10-18 11:30:37       CRI
Brussels, Belgium—Matapos ang kanilang pag-uusap, magkasamang nakipagtagpo Oktubre 17, 2018 sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Charles Michel ng Belgium sa mga mamamahayag. Isinalaysay nila ang bunga ng kanilang "tapat at malalim" na pag-uusap.

Binigyan-diin ni Li na patuloy na magsisikap ang dalawang panig para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Europa, pagpapasulong ng konektibidad ng Asya at Europa, at pagpapabilis ng proseso ng talastasan sa Bilateral Investment Treaty (BIT) ng Tsina at Europa. Aniya, nakahanda ang Tsina at Belgium na pahigpitin ang koordinasyon sa multilateral na framework na kinabibilangan ng United Nations, at pangalagaan ang multilateralismo at kaayusan batay sa mga tuntuning pandaigdig.

Ipinahayag naman ni Charles Michel na ang kooperasyon ng Belgium at Tsina ay mahalaga. Aniya, dapat galugarin ng dalawang bansa ang potensyal ng kanilang kooperasyon, magkasamang palalimin ang relasyon ng Europa at Tsina, lagdaan ang BIT sa lalong madaling panahon, at pasulungin ang win-win situation ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa. Aniya, may komong palagay ang dalawang panig sa pangangalaga ng multilateralismo at pamamahalang pandaigdig batay sa mga tuntuning pandaigdig.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>