Nilagdaan Oktubre 16, 2018, State Grain and Reserves Administration at pamahalaan ng Lalawigang Zhejiang ng Tsina ang estratehikong kasunduang pangkooperasyon para mapataas ang sistema ng seguridad ng butil sa mas mataas na antas.
Sa seremonya ng paglagda, sinabi ni Zhang Wufeng, Puno ng naturang administrasyon na ibibigay ang pagkatig sa iba't ibang aspekto batay sa aktuwal na kalagayan at katangian ng butil ng nasabing lalawigan.
Ipinahayag ni Peng Jiaxue, Bise Gabernador ng Zhejiang na mabuti ang mga prinsipyo at hakbangin batay sa kasunduang ito, at naniniwala siyang tiyak na tataas ang lebel ng seguridad ng butil sa Lalawigang Zhejiang.
salin:lele