Ayon sa estadistikang inilabas Huwebes, Oktubre 18, 2018 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito, 636.7 bilyong yuan RMB ang puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng Tsina, at ito ay lumaki ng 2.9% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Lumaki naman ng 95.1% ang bilang ng mga bagong tatag na bahay-kalakal na pinamumuhunanan ng mga dayuhang mangangalakal sa Tsina. Ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng naturang ministri, na noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, matatag na lumaki ang puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng Tsina, at may kabilisang lumaki rin ang bilang ng mga bagong tatag na bahay-kalakal.
Ayon sa datos noong unang tatlong kuwarter, kabilang sa mga pangunahing pinanggagalingan ng pamumuhunan, nanatiling may kabilisang paglaki ang Timog Korea, Hapon, Britanya at iba pa. Lumaki ng 6.7% ang Amerika kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, tumaas ng 16.5% ang ASEAN, at 14.9% naman ang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Salin: Vera