Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI komentaryo: Ideya ng "Two Healthys," mamumuno sa pag-unlad ng pribadong kabuhayan ng Tsina sa hinaharap

(GMT+08:00) 2018-10-19 16:56:23       CRI

Isang bagong uri ng special economic zone ang itatatag sa Wenzhou City, Lalawigang Zhejiang ng Tsina bilang tagapagbunsod ng pagsusubok ng ideyang "Two Healthys." Ang Wenzhou ay kilalang kilala bilang lupang sinilangan ng pribadong sektor ng Tsina. Ngayon, muling isinasabalikat ng lunsod na ito ang misyon ng pagsubok at pamumuno sa reporma at pagbubukas ng Tsina.

Ang ideyang "Two Healthys" ay iniharap sa ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong isang taon. Layon nitong "itatag ang bagong relasyon sa pagitan ng pamahalaan at pangangalakal, para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng pribadong sector, at katigan ang paghahanap ng mga tauhan ng pribadong sector upang makamit ang malusog na paglago ng kabuhayan.

Nitong nakalipas na 40 taon, ang mga pribadong kumpanya ng Tsina ay lumikha ng mahigit 60% GDP ng Tsina, nagbayad ng lampas sa 50% buwis sa bansa, gumawa ng ambag sa 70% inobasyong panteknolohiya at paggagalugad ng mga bagong produkto, at nagkaloob ng mahigit 80% hanap-buhay.

Binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang "Two Healthys" ay hindi lamang mahalagang isyung pangkabuhayan, kundi malaking isyung pulitikal din. Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa Lalawigang Liaoning, muling ipinagdiinan niyang dapat likhain ang magandang kapaligiran ng administrasyon alinsunod sa batas para sa mga pribadong bahay-kalakal, at ibayo pang pabutihin ang kapaligiran ng pamamalakad ng negosyo. Walang duda, ang ganitong pahayag ay nakapagpalakas ng kompiyansa para sa pag-unlad ng pribadong bahay-kalakal ng Tsina at inobasyon ng mga pribadong mangangalakal.

Bilang tagasulong ng "Two Healtys," ang karanasan ng Wenzhou sa hinaharap ay hindi lamang lilikha ng bagong modelo para sa de-kalidad na pag-unlad ng pribadong kabuhayan ng Tsina, kundi makakapagpasulong din sa matatag at pangmatagalang pag-unlad ng kabuhayang Tsino.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>