Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalakal ng European Union at Pilipinas, gumaganda

(GMT+08:00) 2018-10-22 17:52:08       CRI

NOONG nakalipas na taon, umabot sa € 14.1 bilyon ang imports at exports sa pagitan ng Pilipinas at European Union. Ito ang sinabi ni European Union Head of Delegation Franz Jessen sa kanyang talumpati sa EU-Philippines Business Summit kanina.

Ang European Union ang pangalawang pinakamalaking pinadadalhan ng mga produktong mula sa Pilipinas dahilan na rin sa halos € 2 bilyong exports tungo sa European Union dahil sa Generalised Scheme of Preferences Plus.

KALAKALAN SA PAGITAN NG EU AT PILIPINAS, MASIGLA.  Higit na gaganda ang kalakal sa pagitan ng Pillipinas at EU sa mga susunod na panahon.  Ito ang pag-asa ni Ambassador Franz Jessen sa kanyang talumpati kanina sa EU-Philippines Business Summit.  (Melo M. Acuna)

Makasasabay ang European Union sa America at Tsina at sa pagkakataong ito, makikinabang din ang Pilipinas.

Noong nakalipas na taon, nagpadala ang may 800,000 mga Filipinong naninirahan sa iba't ibang bansa sa EU ng US$ 3.4 bilyon kabilang na rin ang may 28,000 mga magdaragat na sakay ng mga barkong pag-aari ng kanilang mga mamamayan. Umabot na rin sa 553,000 ang mga turistang mula sa EU na dumalaw sa Pilipinas.

Umaasa si Ambassador Jessen na higit na sisigla ang mga mangangalakal na Filipino sa pagpasok sa European Union sapagkat ngayon ay ika-42 lamang na pinakamalaking kakalakal ng EU. Hindi rin aabot sa 35% ang trade flows sa pagitan ng EU at iba pang mga bansa sa rehiyon na kinabibilangan ng mga Thailand at Malaysia.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>