|
||||||||
|
||
Ayon sa awtoridad ng daambakal ng Taiwan, nadiskaril at tumaob kagabi, Oktubre 21, 2018 ang isang tren, ang Puyuma Express No. 6432 sa Yilan Nayon ng Taiwan.
Labingwalo (18) katao ang nasawi, at 164 na iba pa ang nasugatan. Samantala, natiyak na ang identidad ng 171 sa kanila. Maliban sa isang Amerikano, ang lahat ng mga patay ay taga-Taiwan.
Ayon sa ulat, 366 na pasahero ang lulan ng naturang tren.
Ito ang pinakamalubhang sakuna ng daambakal sa Taiwan, nitong 37 taong nakalipas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |