Ipinatalastas kahapon, Martes, ika-23 ng Oktubre 2018, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos sa Manila sa ika-26 ng buwang ito ang ika-16 na pulong ng mga mataas na opisyal ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa pagpapatupad ng Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Ayon pa rin kay Hua, lalahok sa pulong ang mga mataas na opisyal mula sa ministring panlabas ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN, para magpalitan ng palagay hinggil sa mga isyung, gaya ng pagpapatupad ng DOC, pagpapasulong sa pragmatikong kooperasyong pandagat, talastasan sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), at iba pa.
Salin: Liu Kai