Sa panahon ng idinaraos na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-China Maritime Exercise-2018 sa Zhanjiang, lunsod sa timog ng Tsina, isinagawa kahapon, Martes, ika-23 ng Oktubre 2018, ng mga kalahok na tauhang medikal ng iba't ibang panig ang aktibidad ng pagpapalitan hinggil sa medisinang militar.
Bumisita ang mga tauhang medikal sa Navy No.1 Hospital, kung saan naranasan nila ang paggamit ng Traditional Chinese Medicine sa physical therapy, at mga bagong paraan ng psychotherapy. Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa pagbibigay-lunas sa mga nasugatan sa dagat, at paghahatid ng mga nasugatan mula sa dagat patungong lupa.
Salin: Liu Kai