Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Qishan, kinatagpo ang PM ng Palestina

(GMT+08:00) 2018-10-24 15:57:35       CRI
Sa paanyaya ng pamahalaan ng Palestina, dumalaw Oktubre 23, 2018, si Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina sa Palestina, at kinatagpo siya ni Rami Hamdallah, Punong Ministro ng Palestina.

Tinukoy ni Wang na ang Tsina ay isa sa mga bansang pinakamaagang kumilala sa Palestine Liberation Organization(PLO) at Estado ng Palestina. Aniya, kumakatig ang Tsina sa paglutas sa mga hidwaan ng Palestina at Israel sa pamamagitan ng mapayapang talastasan. Ipinahayag din ni Wang na winiwelkam ng Tsina ang paglahok ng Palestina sa Belt and Road Initiative (BRI), at nakahanda itong patuloy na magbigay ng tulong sa pag-unlad ng bansa.

Ipinahayag naman ni Hamdallah ang pasasalamat ng Palestina sa pagkatig ng Tsina. Aniya, nakahandang palalimin ng kanyang bansa ang kooperasyon sa proseso ng mga kasamang pagpapasulong ng BRI para sa komong kasaganaan.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>