Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Porum na Panghinaharap ng Tsina at Australia, binuksan

(GMT+08:00) 2018-10-29 13:05:49       CRI

Idinaos sa Sidney, Australia Oktubre 28, 2018 ang "Porum na Panghinaharap ng Tsina at Australia."

Ipinahayag dating Punong Ministro Kevin Rudd ng Australia na sa harap ng alitang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika, inaasahang palalakasin ng Tsina at Australia ang pagtitiwalaang pampulitika at sasamantalahin ang pagkakataong pangkasaysayan, para pasulungin ang relasyong Sino-Australian.

Tinukoy niyang apektado ng alitang pangkalakalan hindi lamang ang Tsina at Amerika, kundi pati na rin ang mga ibang bansa. Aniya, may mahalagang katuturan ang kabuhayan ng Tsina sa kabuhayan ng daigdig, at 40% ng paglaki ng kabuhyang pandaigdig ay batay sa paglaki ng kabuhayan ng Tsina.

Ipinalalagay niyang ang Amerika ay kaalyadong bansa ng Australia, at ang Tsina naman ay pinakamalaking trade partner ng bansa. Aniya, ang pinakamahalagang bagay ay dapat isaalang-alang ang komong interes ng mga may-kinalamang panig at kani-kanilang pagkabahala. Umaasa aniya siyang maitatatag ng mga may-kinalamang panig ang pagtitiwalaan at isasagawa ang pagtutulungan, batay sa komong interes. Pinahahalagahan ni Rudd ang tagumpay na natamo ng Tsina sa 40 taong reporma at pagbubukas sa labas. Aniya, bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino mula pag-unlad ng Tsina, at nagbibigay rin ito ng ambag sa kaunlarang pangkabuhayan ng daigdig. Aniya, nilagdaan ang memorandum of understanding hinggil sa pagtutulungan ng "Belt and Road" sa pagitan ng pamahalaan ng Victoria State ng Australia at Tsina. Nananalig aniya siyang gaganap ng mas positibong papel ang naturang pagtutulungan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>