Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Atty. Mangaoang, isasailalim sa Witness Protection Program

(GMT+08:00) 2018-10-31 18:30:07       CRI

IRIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasama kay Customs Deputy Collector Lourdes Mangaoang sa Witness Protection Program.

Ito ang sinabi ni Senador Richard Gordon. Ginawa niya ang rekomenasyon matapos tumestigo si Mangaoang sa lupon na kanyang pinamumunuan sa pagsisiyasat sa may P 11 bilyong halaga ng shabu. Doon sa pagdinig na iyon nagsimulang makatanggap ng mga pagbabanta sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang mobile phone si Atty.Mangaoang.

Inakusahan ni Mangaoang si dating Custons Commissioner Isidro Lapena ng pagmamaang-maangan sa ginawang pagsusuri ng X-ray scans na nagsasabing may lamang shabu ang magnetic lifters.

Irirekomenda umano ni Senador Gordon ang pagsasailalim kay Atty. Mangaoang sa Witness Protection Program na saklaw naman ni Justice Secrtary Menardo Guevarra.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>