Sa sideline ng unang China International Import Expo (CIIE), idinaos kahapon, Lunes, ika-5 ng Nobyembre 2018, sa Shanghai, ang Hongqiao International Business Media and Think Tank Forum.
Lumahok sa porum ang mga namamahalang tauhan ng malalaking media at mga dalubhasa ng mga think tank mula sa 79 na bansa ng daigdig. Sa ilalim ng temang "pagtatatag at pagpapalaganap ng ideya ng bukas na kabuhayang pandaigdig," tinalakay nila ang hinggil sa responsibilidad at kilos ng mga media at think tank sa background ng globalisasyong pangkabuhayan.
Salin: Liu Kai