|
||||||||
|
||
Singapore—Martes, Nobyembre 6, 2018, sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng New Economy Forum, iminungkahi ni Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina, ang reporma, inobasyon at komong kaunlaran.
Ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, nakakaranas ang pulitika't kabuhayang pandaigdig ng pinakamalalimang pagbabago pagkatapos ng Cold War, at nahaharap ito sa maraming hamong gaya ng pangangalaga sa katatagan at kaunlaran ng kabuhayang pandaigdig, pagbabago ng klima, di-balanseng pag-unlad, pag-usbong ng kaisipan ng populismo at unilateralismo.
Ani Wang, sa harap ng mga hamon, dapat igiit ang pagpapasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan, igalang ang landas na nagsasariling pinili ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, resolbahin ang iba't ibang alitan sa pamamagitan ng pagsasanggunian, at makapaghatid ng benepisyo ng pag-unlad sa mga mamamayan, sa pamamagitan ng reporma, pagbubukas, inobasyon, at pagbabago sa pamamaraan ng pag-unlad.
Dagdag pa ni Wang, patuloy na igigiit ng Tsina ang pundamental na patakaran ng bansa sa pagbubukas sa labas, pasusulungin ang konstruksyon ng Belt and Road, buong tatag na kakatigan ang sistema ng multilateral na kalakalan, at tututulan ang unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan.
Ang 2 araw na Unang New Economy Forum ay naglalayong tulungan ang iba't ibang bansa na hanapin ang kalutasan sa mga mahalagang paksang pandaidig at masalimuot na hamon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |