Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, kinatagpo si Henry Kissinger

(GMT+08:00) 2018-11-09 11:17:05       CRI

Kinatagpo Nobyembre 8, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika.

Tinukoy ni Xi na bilang matandang kaibigan ng mga mamamayang Tsino, nagbibigay si Kissinger ng ambag para sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Amerika, hindi makakalimutan ito ng Tsina. Aniya, kahit may mga kahirapan minsan-minsan, matatag na umuunlad ang relasyon ng Tsina at Amerika sa kabuuan. Binigyan-diin ni Xi na dapat tumpak na tasahin ng dalawang panig ang mga estratehikong balak sa isa't isa,panatilihin ng Tsina ang landas sa mapayapang pagpapaunlad, at patuloy na magsisikap para magkaroon ng relasyong Sino-Amerikanong walang sagupaan o konprontasyon, may paggalang sa isa't isa, at win-win situation. Nakahanda aniya ang Tsina na maayos na lutasin ang mga isyu sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasangunian.

Ipinahayag ni Kissinger na nitong ilang dekadang nakalipas, dumalaw na siya maraming beses sa Tsina at nasaksihan ang pag-unlad ng Tsina. Pinapurihan niya ang pagsisikap ng Tsina para sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Amerika at Tsina.

Aniya, ang pagpapaunlad ng relasyon ng Amerika at Tsina ay nangangailangan ng estratehikong ideya at malayong pananaw, dapat palalimin ang paguunawaan, pahigpitin ang pagpapalitan, palawakin ang komong interes at maayos na kontrolin ang mga pagkakaiba sa isa't isa. Umaasa aniya siyang maalwan ang darating na pag-uusap ng mga pangulo ng Amerika at Tsina sa G20.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>