Sinabi kahapon, Sabado, ika-10 ng Nobyembre 2018, sa Beijing, ni Ning Jizhe, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na isasagawa ng kanyang komisyon ang mga bagong hakbangin, bilang pagkatig sa pag-unlad ng pribadong sektor ng bansa.
Ayon kay Ning, ang naturang mga hakbangin ay kinabibilangan ng ibayo pang pagbibigay-ginhawa sa paglahok ng pribadong sektor sa reporma at renobasyon ng mga bahay-kalakal na ari ng estado, pagpapalabas ng bagong edisyon ng market access negative list, patuloy na pagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo, at iba pa.
Dagdag ni Ning, ang kasalukuyang priyoridad ng kanyang komisyon ay pagbibigay-tulong sa pribadong sektor sa paglutas sa mga problema sa pamumuhunan at financing.
Salin: Liu Kai