|
||||||||
|
||
Manila--Ipinahayag dito Lunes, Ika-12 ng Nobyembre, ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ng Pilipinas na ang malayang kalakalan sa pagitan ng ASEAN at Tsina ay nakakatulong nang malaki sa dalawang panig, at dapat magkasamang pasulungin ang malayang kalakalan, hindi lamang sa pagitan ng ASEAN at Tsina, kundi sa ibang mga bansa at rehiyon sa daigdig. Samantala, sinabi niyang sa kasalukuyan, kinakaharap ng pandaigdigang malayang kalakalan ang mga hamon.
Noong 2017, ang kabuuang bolyum ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN ay lumampas sa 500 bilyong US dollars.
Sinabi ni Dominguez III na bilang isang miyembro ng ASEAN, nakinabang ang Pilipinas sa mainam na relasyon ng ASEAN at Tsina.
Sinabi pa niyang mayaman sa mga magagandang produkto ang Pilipinas na nakakatugon sa pangangailangan ng pamilihang Tsino; kabilang dito ang mga prutas, gulay at produktong industiyal. Dagdag pa niya, "competitive area" ang Pilipinas para sa mga mamumuhunang Tsino.
Mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre, 57 exhibitor ng Pilipinas ang lumahok sa unang China International Import Expo para ipakita ang mga oportunidad ng bansang ito sa negosyo, pamumuhunan at turismo.
Sinabi niyang ang CIIE ay isang "tremendous signal" sa buong daigdig na iginigiit ng Tsina ang pagbubukas ng pamilihan sa labas.
Ulat/Larawan: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |