Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Punong Ministro ng Tsina't Australia, nagdaos ng taunang pagtatagpo; komprehensibong estratehikong partnership, isusulong

(GMT+08:00) 2018-11-14 22:33:48       CRI

Nagtagpo ngayong gabi sa Singapore sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Scott Morrison ng Australia sa sidelines ng serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya. Ito ang ika-6 na taunang pagtatagpo ng mga punong ministro ng dalawang bansa.

Sinabi ni Premyer Li na mas marami ang komong interes ng Tsina't Australia kaysa sa pagkakaiba at ang pagtutulangan ay tumpak na pagpili. Ipinahayag ni Li ang mainit ng pagtanggap sa pagpasok sa pamilihang Tsino ng mga paninda mula sa Australia. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Australia para galugarin ang potensyal ng pagtutulungan ng dalawang bansa at mapalawak ang kalakalan at pamumuhunan sa isa't isa.

Ipinahayag naman ni Morrison na itinuturing ng Australia ang pag-unlad ng Tsina bilang isa sa mga kahanga-hangang tagumpay ng Asya-Pasipiko. Kinikilala aniya ng Australia ang ginagampanang papel ng Tsina sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Ipinahayag din ng punong ministro ng Australia ang pagpapahalaga ng kanyang bansa sa relasyon sa Tsina at ang kahandaang palalimin ang pagtutulungan ng magkabilang panig sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, inobasyon, pagmimina, turismo, enerhiya at iba pa.

Hangad din ng dalawang punong ministro ang pagpapahigpit ng koordinasyon ng dalawang bansa sa pangangalaga sa multilateralismo, malayang kalakalan, pagbabago ng klima at iba pa.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>