Binuksan Nobyembre 13, 2018, ang Ika-33 Summit ng ASEAN sa Singapore, hahanapin ang mga kalahok na lider ang ibayo pang paraan sa pagpapasulong ng integrasyon at pagtatatag ng komunidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa ilalim ng framework ng multilateral na kooperasyon.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, binigyan-diin ni Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN ang kahalagahan ng pangangalaga at pagpapasulong ng kooperasyon ng mutilateralismo.
Sinabi ni Lee na kinakailangan ng daigdig ang multilateral na kooperasyon, kahit kinakaharap ang mga hamon, maaaring gamitin ng ASEAN ang multilateral na platapormang kung saan sentro ang ASEAN para magkaroon ng kooperasyon sa iba't ibang bansa at organisasyon. Inulit niya ang pangako ng ASEAN sa pagkatig ng multilateral na kalakalan, at pinasusulong aniya ng ASEAN ang pagtapos ng talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
salin:Lele