|
||||||||
|
||
Sa panayam kamakailan sa China Radio International, ibinahagi ni Herman Laurel, Founder ng Philippine BRICS Strategic Studies Group, at Journalist sa Global News Network, ang kanyang kuro-kuro sa gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas sa Nov. 20 at 21.
Sinabi ni Laurel, na ang pagdalaw na ito ay matagal nang hinihintay ng panig Pilipino.
"Matagal nang hinihintay itong pagtugon ni Pres. Xi Jinping doon sa imbitasyon ni Pres. Duterte, na ipinaabot ni Pres. Duterte noong Oktubre ng taong 2016 noong unang state visit at pagkikita ni Pres. Duterte kay Pres. Xi Jinping sa Beijing. Kaya nakakatuwa na naibalik na ni Pres. Xi Jinping itong pagbisita. At syempre napapansin natin na sobrang busy si Pres. Xi Jinping galing lang sa Papua New Guinea at tutuloy ata ng Brunei bago dito sa Manila. At ang kahalagahan nito sa aking tingin ay, alam ninyo na ang Tsina ay 13 times bigger labing tatlong beses ang laki kaysa sa Pilipinas, at lalung lalo na mas malaki pa kaysa Papua New Guinea ang Pilipinas, pero lahat yan ay binibigyan ng pansin ng malaking bansa na Tsina. At binibigyan ng tulong at suporta sa development."
Kaugnay ng kahalagahan ng pagdalaw na ito sa relasyong Pilipino-Sino, sinabi ni Laurel, na,
"Itong nakaraang dalawa at kalahating taon ang isang pinakamalaking hamon ay iyong mga impormasyon na hindi tama na nakakagulo sa relasyon ng Tsina at Pilipinas. Ngayon nakikita ng ating kapwa mga Pilipino 105 milyong Pilipino iyong presiyensiya ng pinakamataas na pinuno ng Tsina. At maganda ang dinadala na mga balita, at maganda ang pakikipagtungo sa Pilipinas, nabura yung ibang mga pag-aalinlangan ng ating mga kapwa Pilipino. Syempre yung magandang pakikipagturing at bukas na mga bisig ni Pres. Duterte dito sa mga lider ng Tsina, tulad ng mga nakaraang bisita ni Foreign Minister at State Councilor Wang Yi, at ngayon si Presidente Xi Jinping. Marami pang ibang mga ibubunga nito ang magpapaganda ng ugnayan at unawaan ng Tsina at Pilipinas at nang malampasan itong ... alam naman nating talaga na merong ilang elemento na pinipigilan ang pagpapaganda at pagpapatibay ng relasyon ng Tsina at Pilipinas pero ito'y lalampasan natin at malaking tulong itong pagbisita ni Presidente Xi Jinping dito sa ating syudad at bansa."
Pagdating naman sa pagsasamantala ng Pilipinas ng mga pagkakataong dulot ng Tsina, sa pamamagitan ng ibayo pang pagbubukas ng pamilihang Tsino sa labas, Belt and Road Initiative, at iba pa, ipinalalagay din ni Laurel, na,
"Iyong Belt and Road Initiative ay nabanggit na sa mga ulat dito... na ang Davao City ay tutulungan na maging isang hub ng Belt and Road para maging puerta tungo doon sa Indonesia at South Pacific Islands parang pagbubuhay ng Manila Acapulco trade route noon which is the only thing lacking in the Belt and Road ng Tsina. Dahil iyong Asia to Europe train and land route ay naayos na, tapos iyong Maritime Silk Road hanggang dito sa China Sea ay nakatakda na pero lampas pa ng China Sea tungo sa Indonesia at South Pacific ang PIlipinas ay maaring maging eastern most hub at mukhang doon patungo dahil dito sa naanunsyo na tulong sa development ng Davao port pagpapalalim nito at pagpapalaki pagmo modernize nito."
Ulat: Mac Ramos at Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |