Bago ang kanyang pagdalaw sa Brunei, sinulat at inilabas Nobyembre 17, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang artikulong pinamagatang "Magkasanib na Sumulat ng Bagong Kapitulo sa Relasyon ng Tsina at Brunei."
Anito, ang relasyon ng Tsina at Brunei ay pumasok na sa pinakamabuting panahon, at nagiging modelo ng pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinapangan, at komong pag-unlad ng malaki at maliit na bansa. Aktibong kumakatig ang Brunei sa Belt and Road Initiative (BRI), at nilagdaan ng dalawang panig ang memorandum ng kooperasyon para mapasulong ang pag-uugnay ng BRI at "Wawasan 2035" o "Vision 2035" ng Brunei. Ang mga ito ay magdaragdag ng bagong bitalidad sa relasyon ng dalawang bansa.
salin:Lele