|
||||||||
|
||
Nagpadala sa isa't isa ng mensaheng pambati sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina, ngayong araw, bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sa kanyang mensaheng pambati, tinukoy ni Pangulong Xi na nitong 30 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko, walang humpay na isinagawa ng Tsina at Palestina ang kooperasyon sa iba't ibang larangan at natamo ang maraming bunga. Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng dalawang bansa, at nakahanda ang Tsina na magsisikap, kasama ng bansa ng Palestina, para patuloy na pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa at matamo ang mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Pangulong Abbas na mataas na pinapurihan niya ang mahalagang papel at pagkatig ng Tsina sa mga mamamayan ng bansa. Nakahanda aniya ang mga mamamayan ng Palestina na patuloy na pasusulungin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa para isakatuparan ang mga komong mithiin ng dalawang bansa.
Nang araw rin iyon, nagpadala rin sa isa't isa ng mensaheng pambati sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Rami Hamdallah ng Palestina. Sinabi ni Li na sapul nang itinatag ang relasyong diplomatiko, aktibo at malusog na pinapaunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Sa hinaharap, nakahanda ang Tsina na walang humpay na pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig. Sinabi rin ni PM Rami Hamdallah na pinasasalamatan niya ang pagkatig na ipinagkaloob ng Tsina para sa Palestina, at nakahandang patuloy na palakasin at palawakin ang bilateral na relasyon at pakikipagkooperasyon sa Tsina para isakatuparan ang malawak na komong kapakanan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |