Ayon sa pinakahuling ulat ng pagtanaw sa kabuhayang pandaigdig na isinapubliko kamakailan ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), pinababa nito ang pagtaya sa paglago ng kabuhayang pandaigdig sa susunod na taon.
Tinukoy ng ulat na sanhi ng epekto ng pagsidhi ng maigting na kalagayan ng kalakalan, pagiging maigting ng kapaligirang pinansyal, at pagbagal ng paglago ng mga bagong usbong na ekonomiya, dumagdag ang panganib ng pagbaba ng malakas na paglago ng kabuhayang pandaigdig. Anito, tinayang lalago ng 3.7% ang kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon, at aabot sa 3.5% ang taunang karaniwang paglago nito sa taong 2019 at 2020.
Ayon sa pagtaya ng ulat, mula 2018 hanggang 2020, magkahiwalay na aabot sa 6.6%, 6.3% at 6% ang taunang paglaki ng kabuhayang Tsino. Samantala, lalaki ng 3.8%, 3.7% at 3.7% ang kabuhayan ng G20 sa gayun ding panahon, at 2.9%, 2.7% at 2.1% ang paglago ng kabuhayan ng Amerika.
Salin: Vera