Sa panayam kamakailan sa Xinhua News Agency, sinabi ni Ban Ki-moon, Tagapangulo ng Boao Forum for Asia at dating Pangkalahatang Kalihim ng United Nations, na sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas noong 1978, naisakatuparan ang napakalaking pagbabago sa lipunan ng Tsina. Karapat-dapat aniyang ibahagi sa ibang bansa ang karanasan sa pag-unlad ng Tsina.
Sinabi rin ni Ban, na pahalaga nang pahalaga ang papel ng Tsina sa komunidad ng daigdig. Aniya, ang Tsina ay nagbibigay ng ikalawang pinakamalaking pondo sa daigdig para sa mga aksyong pamayapa ng UN, at aktibo rin ang Tsina sa pagpapadala ng mga tropang pamayapa at pagsasagawa ng mga misyong pamayapa sa buong mundo. Sinabi rin ni Ban, na kasunod ng pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank at pagpapatupad ng Belt and Road Initiative, gumaganap ang Tsina ng lalo pang malaking papel sa pakikipagkooperasyon sa iba't ibang bansa, lalung-lalo na sa mga umuunlad na bansa.
Ipinahayag din ni Ban ang pasasalamat sa Tsina para sa pagkatig nito sa mga gawain ng UN, sa loob ng kanyang termino bilang Pangkalahatang Kalihim ng organong ito.
Salin: Liu Kai