Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas mabuting kalakaran para sa mga manggagawang Filipino inaasahan

(GMT+08:00) 2018-11-27 19:00:40       CRI

FAIR RECRUITMENT, MAHALAGA.  Ito ang sinabi ni G. Hussein Macarambon ng ILO (kaliwa) sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga.  Higit na gaganda ang kalamayan ng mga manggagawa kung maayos ang recruitment.  Na sa kanan naman si OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio.  (Melo M. Acuna)

MAY MGA BANSANG GUMAGANDA ANG TRATO SA MGA BANYAGANG MANGGAGAWA.  Ayon kay Bb. Susan Ople ng Blas F. Ople Policy and Training Center, ito ang nararapat abangan ng mga Filipino tulad ng pagluluwag sa Qatar at Bahrain.  (Melo M. Acuna)

UMAASA ang iba't ibang stakeholders sa larangan ng overseas work na uunlad at gaganda ang kalakaran para sa mga nagbabalak lumabas ng bansa sa pagkakaroon ng "fair recruitment practices."

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga, sinabi ni OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio na kailangang magsanay at matuto ang mga nagnanais manglingkod sa mga tahanan bilang mga domestic worker sapagkat ang kawalan ng kaalaman sa paggamit ng appliances ang nagiging dahilan ng mga 'di pagkakaunawaan. Binanggit din niyang nararapat mabatid ng mga mangingibang-bansa na kakaiba ang ugali, pagkain at kultura ng kanilang paglilingkuran.

Sa panig naman ni G. Hussein Macarambon ng ILO, sinabi naman niyang sa pagkakaroon ng programa sa larangan ng fair recruitment, maiiwasan ang mga pang-aabuso ng ilang mga nagkakalakal ng mga nais mangibang-bansa.

Ayon kay Bb. Susan Ople, kailangang bigyang pansin ang mga nagaganap sa iba't ibang bansa sa Gitnang Silangan tulad ng Qatar na nagiging maluwag na sa mga banyagang manggagawa.

Iminungkahi ni G. Macarambon na bigyan ng pagkakataong makadalo sa mga pagsasanay ang mga taga-radyo at telebisyon sapagkat bukod sa mga manunulat sa iba't ibang pahayagan at online, kailangang masanay din ang mga madalas lapitan ng mga kamag-anak ng mga manggagawang naiwan sa Pilipinas.

Noong nakalipas na taon, umabot naman sa 10,008,223 ang mga Filipino sa iba't ibang bansa samantalang mayroon ding 444,954 ang sinasabing undocumented workers.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>