Magkasamang nakipagtagpo sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Juan Carlos Varela ng Panama sa mga kinatawan ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa, nitong Lunes, Disyembre 3, local time.

Ang nasabing mga mangangalakal ay kalahok sa Porum sa Pagtutulungang Pangkabuhaya't Pangkalakalan ng Tsina't Panama.
Ipinahayag ni Xi na nagsisilbing pangunahing puwersa ang mga bahay-kalakal sa pagtutulungan ng Tsina't Panama, at umaasa siyang masasamantala nila ang mga pagkakataon para makalikha ng mas magandang kinabukasan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Ipinahayag din ni Xi ang mainit na pagtanggap sa pamumuhunan sa Tsina ng mga bahay-kalakal ng Panama at ang paghikayat sa mga bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa Panama.
Ipinahayag naman ni Pangulong Juan Carlos Varela na bukas ang Panama sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino para makapagbigay-tulong sa pag-unlad ng bansa at rehiyon at maisakatuparan ang win-win result.
Salin: Jade
Pulido: Mac