Ang fish skin handicraft ng Lahing Hezhe ng Tsina ay isang tradisyonal na sining gawang-kamay na inilakip sa listahan ng national intangible cultural heritage.
Si Zhang Lin ay isa sa mga tagapagmana ng teknik ng fish skin handicraft. Nitong nakalipas na mahigit 10 taon, nagpupunyagi siya para sa pananaliksik at paglikha ng nasabing sining.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng promosyon, at pagtataguyod ng mga talakayan at makukulay na aktibidad, tinutulungan ni Zhang ang mas maraming kabataan na malaman at manahin ang ganitong tradisyonal na sining.
Salin: Vera