Sa panahon ng United Nations (UN) Intergovernmental Conference on Migration na kasalukuyang ginaganap sa Marrakech, Morocco, pinagtibay ang Global Compact for Migration (GCM). Kaugnay nito, ipinahayag Martes, Disyembre 11, 2018 ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang GCM ay nagkaloob ng balangkas ng kooperasyong pandaigdig para sa pagpapalakas ng pagsasaayos sa pandarayuhan ng buong mundo. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng komunidad ng daigdig, na patingkarin ang positibong papel nito, upang magkasamang pasulungin ang ligtas, maayos at normal na pandarayuhan.
Salin: Vera