Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Estratehikong partnership ng Tsina at Afghanistan, pasusulungin

(GMT+08:00) 2018-12-16 15:23:47       CRI

Kabul — Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Disyembre 15 (local time), 2018, kay Pangulong Ashraf Ghani ng Afghanitan, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang kahandaan na magsikap kasama ng Afghanistan, para maisakatuparan nang mainam ang narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa at mapasulong pa ang estratehikong partnership. Aniya, ang Afghanistan ay mahalagang katuwang sa magkakasamang konstruksyon ng "Belt and Road," at nakahanda ang panig Tsino na palawakin kasama ng panig Afghan, ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig para tulungan ang Afghanistan sa pagpapabilis ng proseso ng rekonstruksyon at kaunlaran.

Dagdag pa ni Wang, hinahangaan ng Tsina ang ginagawang pagsisikap ng Afghanistan sa pagbibigay-dagok sa terorismo, at nakahanda itong patuloy na magkaloob ng pagkatig at tulong sa Afghanistan sa usaping ito.

Nagpahayag naman si Ghani ng pasasalamat sa ibinibigay na pagkatig at tulong ng Tsina sa Afghanistan sa larangan ng kabuhayan at lipunan. Nakahanda aniya ang Afghanistan na palalimin ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa Tsina.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>