Idinaos Martes, Disyembre 18, 2018 ang pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas. Lubos na pinag-ukulan ng pansin ng komunidad ng daigdig ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa nasabing pulong.
Inilabas ng website ng pahayagang Al-Ahram ng Ehipto ang komentaryong pinamagatang "Paggunita ng Tsina ng Ika-40 Anibersaryo ng Pagsasagawa ng Reporma at Pagbubukas. Binigyan ng positibong pagtasa ng komentaryo ang natamong tagumpay ng Tsina sa unti-unting pagsasakatuparan ng matatag na pag-unlad at paghahatid ng kabiyayaan sa mga mamamayan, sa pamamagitan ng patakaran ng reporma at pagbubukas.
Sinipi ng News Agency TASS ng Rusya ang talumpati ni Pangulong Xi na nagsasabing nitong nakalipas na 40 taon, palagiang naggiit ang Tsina sa nagsasariling mapayapang patakarang diplomatiko, at nananangan sa bukas na estratihiyang may mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta. Anito, ang pag-unlad ng Tsina ay hindi nagsasapanganib sa anumang bansa.
Binigyan din ng magandang reaksyon ng mga pangunahing media ng Hapon na gaya ng Asahi Shimbun ang talumpati ng pangulong Tsino. Anang ulat, ang patakaran ng reporma at pagbubukas ay nakapagpasulong sa napakabilis na paglago ng kabuhayang Tsino at pagtaas ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Vera