Ipinatalastas Disyembre 19, 2018 sa Beijing ng Konseho ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na tinanggap nito ang aplikasyon ng anim na bansa hinggil sa paglahok sa bangko.
Ang nasabing mga bansa ay kinabibilangan ng Algeria, Ghana, Libya, Morocco, Serbia at Togo. Sa kasalukuyan, umabot na sa 93 ang bilang ng mga kasaping bansa ng AIIB.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Danny Alexander, Pangalawang Presidente ng AIIB na ipinakikita nito ang mithiin at pangako ng mga kasapi ng AIIB sa pagpapahigpit ng multilateral na kooperasyon, at hihigpit din ang papel ng bangko sa larangang pinansyal ng daigdig. Aniya, ang pagdami ng mga miyembro ng bangko mula sa Europa at Aprika ay makakatulong sa pagpapahigpit ng rehiyonal na konektibidad.