Inilabas ngayong araw, Linggo, ika-23 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ng China Media Group (CMG), ang ikalawang pangkat ng demonstration audio material ng mga aklat sa wikang Tsino para sa mga estudyante ng mga elementary at high school.
Binasa ng mga sikat na radio broadcaster at TV anchor ng CMG ang 100 aralin sa mga Chinese language textbook ng elementary at high school. Ito ay para matutuhan ng mga estudyante ang standard Mandarin.
Ang proyektong ito ay nasa ilalim ng pagtataguyod ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina.
Salin: Liu Kai