Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo:unawain ang kabuhayan ng Tsina, sa pamamagitan ng tatlong anggulo

(GMT+08:00) 2018-12-24 18:07:11       CRI
Noong linggong nakalipas, idinaos ang Central Economic Work Conference ng Tsina, ginawa ng pulong na ito ang komprehensibong kaayusan sa mga prinsipyong pangkabuhayan ng Tsina sa susunod na taon. Kung nais ninyong maumawaan ang tunguhin ng kabuhayan ng Tsina sa hinaharap, puwede ninyo itong suriin sa tatlong anggulo.

Una, hindi madali ang natamong bunga ng pag-unlad ng Tsina at, dapat sumunod sa limang alintuntunin.

Kinakaharap ng kabuhayan ng Tsina ang maraming kahirapan sa labas sa taong ito. Tinukoy ng nasabing pulong na dapat palalimin ang pag-unawa sa bagong tunguhin ng kabuhayan, at sundin ang limang prinsipyo: Una, dapat igiit ang pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina; ikalawa, dapat suriin ang kasalukuyang kalagayan sa pangmalayuang pananaw; ikatlo, dapat tumpak na isaisip ang antas ng macroeconomic control; ikaapat, dapat agad gumawa ng reaksyon sa mga pagkabahala ng lipunan; ikalima, dapat mapukaw ang kasiglahan ng iba't ibang sirkulo.

Ikalawa, ang pag-unlad ng Tsina ay may mahalagang estratehikong pagkakataon.

Dahil sa alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, nais malaman ng publiko kung ititigil ba ang panahong may mahalagang estratehikong pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina. Tungkol dito, inamin ng Central Economic Work Conference na sa kabuuan, matatag ang pagtakbo ng kabuhayan, pero, mayroon ding pagbabago at pagkabalisa. Samantala, tinukoy din nitong ang pag-unlad ng Tsina ay may mahalagang estratehikong pagkakataon sa pangmatagalang panahon dahil sa malaking pamilihan at paglawak ng pagbubukas sa labas.

Ikatlo, mga keyword ng kabuhayan sa 2019

Tinukoy ng pulong na dapat sumunod sa prinsipyo ng "pagpapatatag, pagpapalakas, pagpapataas at pagpapaginhawa." Ayon din sa pulong na ito, dapat patuloy na pigilin ang malaking hamon, pawiin ang karalitaan, at iwasan ang polusyon. Bukod dito, dapat magsikap para mapasulong ang pag-unlad na may mataas na kalidad ng manufacturing industry, pasulungin ang pagbuo ng malaking pamilihan sa loob ng bansa, i-ahon ang kanayunan, pasulungin ang balanseng pag-unlad ng iba't ibang lugar, pabilisin ang reporma ng sistemang pangkabuhayan, palawakin ang pagbubukas sa labas, at palakasin ang garantiya at pagsasaayos ng pamumuhay ng mga mamamayan.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>