Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Pangulo ng Tsina at Amerika, bumati sa ika-40 anibersaryo ng relasyong diplomatiko

(GMT+08:00) 2019-01-01 12:00:27       CRI
Nagpadala ng mensahe sa isa't isa, ngayong araw, Martes, unang araw ng Enero 2019, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, bilang pagbati sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Xi, na nitong 40 taong nakalipas, sa kabila ng iba't ibang pagsubok, natamo ng relasyong Sino-Amerikano ang makasaysayang pag-unlad. Ito aniya ay nagdulot ng malaking pakinabang sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at nagbigay ng mahalagang ambag sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng daigdig. Pinatutunayan ng kasaysayan, na ang kooperasyon ay pinakamabuting pagpili ng dalawang bansa, dagdag ni Xi.

Binigyang-diin din ni Xi, na sa kasalukuyan, nasa mahalagang yugto ang relasyong Sino-Amerikano. Nakahanda aniya siya, kasama ni Pangulong Trump, na pasulungin ang relasyong ito, na may koordinasyon, kooperasyon, at katatagan, para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at buong mundo.

Sinabi naman ni Trump, na nitong mga taong nakalipas, natamo ng relasyon ng Amerika at Tsina ng napakalaking pag-unlad. Dagdag ni Trump, ang kanyang priyoridad ay pagpapaunlad ng kooperatibo at konstruktibong relasyong Amerikano-Sino, at ang pagkakaibigan nila ni Pangulong Xi ay nagbigay ng mainam na pundasyon para sa pagtamo ng relasyon ng dalawang bansa ng mas malaking bunga sa darating na ilang taon.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>