Idinaos Enero 7, 2018, sa Macao ang talakayan ng ika-40 anibersaryo ng pagpapalabas ng "Mensahe sa mga Kababayan sa Taiwan." Kalahok dito ang mahigit 220 kinatawan mula sa iba't ibang sirkulo ng Macao.
Ipinahayag ni Fernando Chui Sai On, Punong Ehekutibo ng Macao Special Administrative Region (SAR) na ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping hinggil sa "Mensahe sa mga Kababayan sa Taiwan" ay malalim sa katuturan at mayaman sa nilalaman. Sinariwa aniya nito ang mga prinsipyo ng mainland hinggil sa Taiwan at karanasan ng pag-unlad ng relasyon ng Taiwan Strait. Iniharap din ang limang mungkahi ni Xi para mapasulong ang mapayapang reunipikasyon ng bansa, diin ni Chui. Ani Chui, ito ay nagiging programa ng bansa sa mga gawain hinggil sa Taiwan.
Salin:Lele