Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nepal, positibo sa konstruksyon ng Belt and Road

(GMT+08:00) 2019-01-09 12:10:08       CRI

Ipinahayag Enero 7, 2019 sa Kathmandu ni Pangulong Bidhya Devi Bhandari ng Nepal, na matalik na magkapitbansa at magkatuwang ang Tsina at Nepal. Aniya, nakahandang lumahok ang kanyang bansa sa konstruksyon ng "Belt and Road," at ibayong pabutihin ang bilateral na pagtutulungan ng dalawang bansa.

Winika ito ni Pangulong Bidhya Devi Bhandari nang tanggapin niya ang credentials na isinumite ni Hou Yanqi, bagong Embahador ng Tsina sa Nepal. Ipinahayag ng pangulong Nepali, na igigiit ng Nepal ang patakarang Isang Tsina. Pinasasalamatan aniya niya ang suportang ibinibigay ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng kanyang bansa, at sa pagpapasulong ng kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan nito.

Ipinahayag naman ni Hou na pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungan sa Nepal. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Nepal para ibayo pang i-angat ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>