|
||||||||
|
||
Martes, Enero 8, 2019, nag-usap sa Beijing sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Kim Jong Un, dumadalaw na Tagapangulo ng Workers' Party at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea. Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider tungkol sa relasyong Sino-Hilagang Koreano at mga isyung kapuwa nila pinahahalagaan, at nagkaroon din sila ng mahalagang komong palagay.
Sina Xi Jinping (kanan), Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Kim Jong Un (kaliwa), Tagapangulo ng Workers' Party at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea
Nakahanda anila silang magkasamang magsikap para ang relasyon ng dalawang bansa ay walang humpay na magtamo ng bagong progreso sa bagong panahon, tuluy-tuloy na sumulong ang proseso ng resolusyong pulitikal ng isyu ng Korean peninsula, makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at gumawa ng positibong ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon at buong daigdig.
Miyerkules ng umaga, nagtagpo sa Beijing Hotel ang dalawang lider. Binigyan ng positibong pagtasa ni Xi ang mahalagang katuturan ng kasalukuyang biyahe ni Kim sa Tsina. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Hilagang Koreano, para mapangalagaan, mapatibay at mapaunlad ang relasyon ng dalawang partido at dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Kim na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang mainam na tunguhin ng tuluy-tuloy na pag-unlad ng relasyon sa Tsina. Nakahanda aniya siyang mataimtim na ipatupad, kasama ng panig Tsino, ang mga narating na komong palagay ng dalawang panig, at likhain ang mas maluningning na kinabukasan ng pagkakaibigang Sino-Hilagang Koreano.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |