Kasalukuyang sinusubaybayan ng mga overseas Chinese sa Belgium ang talumpating binigkas kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng pagsasapubliko ng "Liham Para sa mga Kababayan ng Taiwan."
Ipinahayag nilang nakahanda silang magsikap para sa pagsasakatuparan ng reunipikasyon ng Inang Bayan.
Ipinahayag ni Zhu Hai'an, Puno ng China Council for the Promotion of Peaceful National Reunification in Belgium, na ang naturang talumpati ay nagbibigay-direksyon para sa relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait sa bagong panahon. Nananalig aniya siyang tiyak na maisasakatuparan ang reunipikasyon ng Inang Bayan, batay sa magkasamang pagsisikap ng lahat ng mga mamamayang Tsino sa buong mundo.