Nag-usap Enero 14, 2019, sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Sauli Niinisto, Pangulo ng Finland. Buong pagkakaisang pinalalagay nilang magkasamang isulat ang bagong kabanata ng relasyon ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, ang pangunahing tunguhin ng Finland at Tsina ay pagpapatatag at pagpapasulong ng bagong partnership. Ang pagpapahigpit ng diyalogo at kooperasyon ng Tsina at Finland ay hindi lamang angkop sa komong interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi magdadagdag ng sigla sa pangangalaga ng kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng daigdig.
Ipinahayag ni Niinisto na mabilis ang pag-unlad ng Finland at Tsina. Mataas na pinahahalagahan ng Finland ang natamong bunga ng pag-unlad ng Tsina at papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig. Aniya, sa kasalukuyang kalagayan, mahalaga ang pananatili ng mahigpit na koordinasyon ng Finland at Tsina sa mga suliraning pandaigdig. Gagamitin aniya ng kanyang bansa ang pagkakataon bilang bansang tagapangulo ng Unyong Europeo (EU) para mapahigpit ang relasyon ng EU at Tsina.
salin:Lele