Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Unang Ginang Peng, inistima ang unang ginang ng Finland sa Beijing

(GMT+08:00) 2019-01-16 16:39:19       CRI
Inistima nitong Martes sa Beijing ng unang ginang ng Tsina na si Peng Liyuan ang dumadalaw na unang ginang ng Finland na si Jenni Haukio, sa pamamagitan ng isang pagtatanghal.

Ang pagtatanghal na binuo ng pagbabasa ng tula at tugtog ng musika ay idinaos sa tindahan ng aklat na Page One sa Qianmen, lugar na sumasagisag ng sinaunang Beijing.

Makaraang pasyalan ang tindahan ng aklat, ikinasiya ng dalawang unang ginang ang pagtatanghal. Ibinida ni Peng kay Haukio ang hinggil sa kasaysayan at pinakahuling renobasyon ng makasaysayang distritong Dashilar sa Qianmen.

Sa pagtatanghal, ikinagulat ni Haukio ang pagbabasa ng mga estudyanteng nag-ma-major sa wikang Finnish ng kanyang mga tula na ginawaran ng gantimpala.

Sa saliw ng piyano at sitara, ang mga dalagitang nakasuot ng tradisyonal na damit ay umawit din ng mga tradisyonal na tulang Tsino.

Bilang panapos ng pagtatanghal, tinugtog ng isang biyolinista at isang pyanista ang akda na kinatha ng kompositor na taga-Finland na si Jean Sibelius.

Ang palabas ay ginawa ng mga guro at estudyante mula sa Beijing Foreign Studies University at China Conservatory of Music.

Si Haukio ay kasama ng kanyang asawa na si Pangulong Sauli Niinisto para sa dalaw-pang-estado sa Tsina mula nitong Linggo, Enero 13, hanggang ngayong araw, Enero 16.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>