|
||||||||
|
||
Sa pagtataguyod ng China Media Group, dumalaw kamakailan sa Xinjiang ang mga mamamahayag mula sa anim na bansang Asyano na kinabibilangan ng Turkey, Ehipto, Afghanistan, Pakistan, Bangladesh, at Sri Lanka. Ang nasabing pagdalaw ay bahagi ng programa para mapalalim ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at mga kasaping bansa ng Belt and Road Initiative (BRI).
Ang isa sa mga aktibidad ng mga mamamahayag ay pagdalaw sa Sentrong Bokasyonal sa Kashi, lunsod sa dakong timog ng Xinjiang Uygur Autonomous Region sa hilaga-kanluran ng Tsina.
Layon ng nabanggit na sentro na sanayin ang mga kabataan at mga taong umugnay o apektado ng mga aktibidad na teroristiko, na hindi na kailangang parusahan ayon sa batas. Sa pamamagitan ng iba't ibang kurso na may kinalaman sa pagsasanay na bokasyonal, batas, at wika, maaari silang matuto ng mga kakayahang magagamit sa ikabubuhay at bumalik sa lipunan.
Kaugnay nito, sinabi ni Misket Dikmen, Presidente ng Izmir Journalists Association ng Turkey, na sa totoo lang, isang paaralan ang sentrong bokasyonal, kung saan ang mga kabataan ay nag-aaral ng mga kahusayang bokasyonal para magkaroon ng sariling pagsisikap sa hinaharap.
Ipinahayag naman ni Tugcenur Yilmaz, mamamahayag mula sa Anadolu Agency, isang pandaigdig na ahensiya sa pagbabalita na nakabase sa Turkey, ang kanyang pagkilala at paghanga sa papel ng sentrong bokasyonal para tugunan ang terorismo.
Mga mamamahayag na dayuhan habang nakikipag-usap sa mga estudyante sa sentrong bokasyonal
Silid-aralan ng pagpipinta ng sentrong bokasyonal
Pagtatanghal ng mga estudyante ng sentrong bokasyonal
Kurso ng pagdidisenyo ng damit ng sentrong bokasyonal
Kurso ng pagtatahi at paggawa ng damit ng sentrong bokasyonal
Ang mga mamamahayag ng ATV, TV channel ng Turkey habang nag-uulat sa kampus ng sentrong bokasyonal
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |