Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sugo ng pangulong Tsino, kinatagpo ang pangulo ng Ehipto: mga komong palagay na narating, isasakatuparan

(GMT+08:00) 2019-01-17 12:00:03       CRI
Natagpo Enero 16, 2019, sa Cairo, Ehipto sina Yang Jiechi, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Abdel Fattah al-Sisi, Pangulo ng Ehipto.

Ipinahayag ni Yang na layon ng kanyang pagdalaw bilang espesyal na sugo ni Pangulong Xi ay isakatuparan ang mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa. Umaasa aniya ang Tsina na pananatilihin ng dalawang panig ang tunguhin ng pagpapalitan sa mataas na antas, walang humpay na pahihigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal, at patuloy na kakatigan ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes ng dalawang panig. Aniya pa, dapat pahigpitin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI).

Ipinahayag naman ni Pangulong al-Sisi na nakahanda ang Ehiptong patuloy na isakatuparan ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, pasulungin ang konstruksyon ng BRI, palalimin ang koordinasyon sa mga multilateral na suliranin, at walang humpay na pahigpitin ang komprehensibong estratehikong partnership.

Salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>