Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

3 bilyong biyahe, tinatayang aabot sa travel rush ng Pestibal ng Tagsibol

(GMT+08:00) 2019-01-18 16:14:07       CRI

Aabot sa 2.99 bilyong biyahe ang inaasahang gagawin ng mga mamamayang Tsino sa panahon ng Chunyun, travel rush ng Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan ng Nasyong Tsino. Sa taong 2019, ang 40 araw na Chunyun ay tatagal mula Enero 21 hanggang Marso 1. Ang Chinese New Year sa taong ito ay natatapat sa Pebrero 5 sa taong ito.

Sa preskon ngayong araw, sinabi ni Lian Weiliang, Pangalawang Puno ng National Development and Reform Commission (NDCR) na ang nasabing bilang ng biyahe ay mas mataas ng 0.6% kumpara sa taong 2018.

Dagdag ni Lian, tinatayang aabot sa 2.46 na bilyon ang biyahe sa lansangan, na mas mataas ng 0.8 % kumpara sa 2018. Samantala, aabot sa 413 milyon ang biyahe sakay ng tren, na mas mataas ng 8.3% kumpara sa 2018. Kasabay nito, ang biyaheng panghimpapawid ay inaasahang aabot sa 73 milyon, na mas mataas ng 12% kumpara sa taong 2018.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>