Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Resepsyon bilang pagdiriwang ng ika-69 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, idinaos sa Ha Noi

(GMT+08:00) 2019-01-18 16:14:10       CRI

Idinaos Enero 17, 2019, sa Ha Noi ang resepsyon bilang pagdiriwang ng ika-69 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam. Dumalo sa aktibidad sina Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Biyetnam; Nguyen Xuan Cuong, Ministro ng Agrikultura at Pag-unlad ng Kanayunan ng Biyetnam at mga kinatawan ng iba't ibang sirkulo ng bansa.

Sinabi ni Xiong na pananatilihin ng dalawang panig ang pagpapalitan sa mataas na antas, walang tigil na palalalimin ang koordinasyon ng estratehiya palalawakin ang di-pamahalaang pagpapalitang pangkaibigan, at pasusulungin ang patuloy, malusog, at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Nguyen na walang humpay na pinalalalim at pinalalawak ang relasyon ng dalawang bansa. Ito aniya'y nagpapakita ng tunguhin ng positibong pag-unlad. Pinahahalagahan ng Biyetnam ang pagpapasulong ng matatag, malusog, at sustenableng pag-unlad ng relasyon sa Tsina, aniya pa.

Salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>