Ipinahayag Enero 21, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagbati sa panunungkulan ni Felix Tshisekedi bilang pangulo ng D.R. Conggo.
Ani Hua, nagbibigay-galang ang Tsina sa pagpili ng mga mamamayan ng D.R.Conggo. Umaasa aniya siyang magsisikap ang ibat-ibang panig ng naturang bansa para pasulungin ang pambansang kapayapaan, katatagan at kaunlaran.
Nauna rito, ibinigay din ang pagbati kay Felix Tshisekedi ng mga pangulo ng mga bansang Aprikano na kinabibilangan ng South Africa, Kenya, Tanzania, at Burundi at Southern African Development Community (SADC).