|
||||||||
|
||
Ipinatalastas Enero 22, 2019 ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng United Nations (UN) ang paghirang sa isang diplomatang Tsino na si Xia Huang bilang espesyal na sugo niya sa rehiyon ng Great Lakes.
May mahigit 30 taon ang karanasan ni Xia bilang diplomata, at nagtrabaho siya sa maraming bansang Aprikano. Mula noong 2015 hanggang 2018, nanungkulan siya bilang Embahador ng Tsina sa Republika ng Congo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |