Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Qishan, nagtalumpati sa taunang pulong ng Davaos 2019

(GMT+08:00) 2019-01-25 17:47:44       CRI
Davos, Switzerland—Dumalo si Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF), nitong Miyerkules, Enero 23, local time, at bumigkas siya ng talumpating may temang "Pagpapatatag ng kompiyansa, magkakasamang umunlad, at lumilikha ng hinaharap."

Ipinahayag niyang ang kasaysayan, kultura at pilosopiya ay mga susi sa pag-unawa sa kanyang bansa. Diin ni Wang, buong higpit na may kaugnayan ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap, at kung nais malaman ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan at kinabukasan ng Tsina, kailangang malaman ang hinggil sa kasaysayan ng Tsina.

Sinabi rin ni Wang na dapat lutasin ang di-balanseng pag-unlad sa pamamagitan ng ibayo pang pag-unlad. Aniya, ang mas pantay na paraan sa pagbabahagi ng keyk ay dapat hanapin habang ginagawa ang mas malaking keyk. Dagdag niya, hindi dapat ihinto ang paggawa ng keyk, at isagawa ang walang tigil na pagdedebate hinggil sa paraan ng pagbabahagi ng keyk.

Dagdag ni Wang, ang inobasyong panteknolohiya ay pangunahing elemento sa ika-4 na industrial revolution. Dapat aniyang buuin ang mainam na sistema ng tuntunin at balangkas ng kooperasyong pandaigdig, para makinabang dito ang lahat ng mga mamamayan.

Salin:Lele 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>