Sa panahon ng Ika-18 Consultation of the Coordinators for the China-France Strategic Dialogue, nagtagpo Enero 24, 2019 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Jean-Yves Le Drian, Ministrong Panlabas ng Pransya.
Ipinahayag ni Wang na kapuwa kumakatig ang Tsina at Pransya sa mutilateralismo at nagsisikap para sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang koordinasyon sa Pransya hinggil sa pagpapabuti ng pandaigdigang pamamahala, at pangangalaga ng mutilateralismo batay sa mga tuntunin at sistemang pandaigdig kung saan nasa sentro ang United Nations.
Ipinahayag ni Le Drian na pinahahalagahan ng Pransya ang relasyon sa Tsina, nakahandang palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan at magkasamang pangalagaan ang mutilateralismo.
Salin:Lele