Ipinahayag Enero 29, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang magsisikap ang Australia, kasama ng Tsina para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan sa Singapore ni Christopher Pyne, Ministrong Pandepensa ng Australia na ang pagpigil sa kaunlarang pangkabuhayan ng Tsina ay hindi angkop sa interes ng Australia, kaya, hindi ito interesado ng kanyang bansa.
Ipinahayag ni Geng na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Australian ay angkop sa komong interes ng dalawang bansa.